^

Bansa

Tubig sa mga dam patuloy sa pagbaba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tubig sa mga dam patuloy sa pagbaba
Batay sa latest monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, may pagbaba sa 48 meters ang tubig sa Angat dam sa loob ng 24 oras o nasa 201.27 meters ng water level ng dam, alas-6:00 ng umaga kahapon o mas mababa sa 201.75 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga. Umaabot sa 212 meters ang normal water level ng Angat dam na nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng water level sa iba’t-ibang mga dam sa bansa.

Batay sa latest monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, may pagbaba sa 48 meters ang tubig sa Angat dam sa loob ng 24 oras o nasa 201.27 meters ng water level ng dam, alas-6:00 ng umaga kahapon o mas mababa sa 201.75 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga. Umaabot sa 212 meters ang normal water level ng Angat dam na nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.

Ang Ipo dam ay nakapagtala naman ng 101.03 water level kahapon, Sabado, alas-6:00 ng umaga  o may pagbaba ng 0.02 meters mula sa 101.01 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga. 101 meters ang normal level ng tubig sa Ipo dam.

Kahapon, ang La Mesa dam ay may 69.10 meters ng water level mula sa 69.16 meter ng water level noong Biyernes ng umaga. Nasa 80.15 ang normal water level sa La Mesa dam.

Ang Ambuklaw dam ay nasa 749.17 meters ang water level kahapon ng umaga na mas mababa kung ikukumpara sa 749.32 meters noong biyernes ng umaga. Umaabot naman sa 752 meters ang normal water level sa naturang dam.

Ang Binga dam ay may 573.37 meters ng water level kahapon ng umaga na mas mababa  sa 573.67 meters noong Biyernes ng umaga  samantalang ang Magat dam ay may 170.91 meters ng water level kahapon ng umaga at nasa 171.51 meters ng water level noong Biyernes ng umaga.

Ang San Roque dam naman ay may 266.09 meters ng water level kahapon ng umaga na mas mababa kaysa sa 266.27 meters ng water level noong biyernes ng umaga. Umaabot sa 280 meters ng normal water level sa naturang dam.

Bunga ng pagbaba ng level ng tubig sa naturang mga dam, hinikayat ng PAGASA ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig upang may sapat na suplay na magagamit sa panahon ng El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot.

vuukle comment

WATER LEVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with