^

Bansa

'Numero Unong Bastos' pinrotesta sa International Womens' Day

James Relativo - Philstar.com
'Numero Unong Bastos' pinrotesta sa International Womens' Day
Martsa ng kababaihan patungong Mendiola ngayong ika-8 ng Marso.
Twitter/GABRIELA

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagpupugay sa mga Eba ang iba't ibang grupo sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan at sinabing dapat lang na mamuhay sila sa lipunan na hindi minamaliit at isinasantabi ang kababaihan.

Kasabay naman ng mga papuri ay ang pag-protesta laban sa "bastos, diktador at anti-babaeng" gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, bumuhos sa kalsada ang mga militante ngayong ika-8 ng Marso para ipakita ang kanilang disgusto.

Aabot sa halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang mga babae, sabi ni Anakpawis party-list president Rafael Mariano.

"[Y]et they still suffer unimaginably under this macho-fascist regime of Rodrigo Duterte. Filipinas do not deserve this kind of society that looks down upon and discriminates women and children. Filipino women deserve and are worthy of the best social conditions," wika ni Mariano na chairman emeritus din ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

'Number One Misogynist'

Aniya, ang pangulo raw ang numerong salaula pagdating sa kababaihan.

"The chief executive is the number one misogynist. The prevailing tyrannical policies targets all sectors and in the course of the many wars launched by the Duterte regime against the people, many women were killed and abused," dagdag ni Mariano.

Kilala si Duterte sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag at gawi patungkol sa mga babae, bagay na umani ng batikos mula sa mga netizens at women's groups.

Ilan na riyan ay ang pagsabi niya na barilin ang mga babaeng New People's Army sa maselang bahagi ng katawan , paghalik niya sa babaeng may asawa sa South Korea at pagsabing minolestiya niya ang kanilang katulong noong siya'y bata pa.

Ayon sa mga taga-suporta ng pangulo, mga salita lamang ito at kasama sa ng style ni Duterte. Depensa rin nila na ang dapat tingnan ay ang mga polisiya ni Duterte mula pa noong ito ay alkalde ng Davao City, kung saan bawal ang magsuot ng swimsuit sa mga beauty pageant.

Noong Pebrero, nilagdaan ni Duterte ang isang batas na ginawang 105 na araw ang maternity leave mula sa 60. Pagkatapos malagdaan ang batas nagbiro ang tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo na baka raw mas maraming babae na ang magpakasal at magbuntis dahil sa expanded maternity leave. 

Economic hardship ng kababaihan

Maliban sa mga binibitawang salita ni Duterte, sinabi ng Anakpawis na malaking dagok din sa kababaihan ang matinding krisis pang-ekonomiya.

Halos kahahati raw ng nagtratrabaho sa mga probinsya ay mga babae — small income owners, household workers at unpaid family labor.

Aniya, malaki ang maitutulong ng libreng pagpapamahagi ng lupa sa magsasaka para maibsan ang hirap.

"Filipino women are subjected to hardships, exploitation and discrimination on a daily basis. The severe economic crisis that trickles down to ordinary households is a also a heavy burden that they carry on their backs day in and day out," ani Mariano.

Dagdag nila, imbis na makatulong ay lalong pahihirapin ni Duterte ang mga kababaihan dahil sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Matatandaang sinabi ng IBON Foundation na patataasin nito ang presyo ng bigas at pahihirapan ang mga lokal na magsasaka na makipagkompitensya sa imported rice.

'Solusyon, hindi patayan'

Sinang-ayunan naman ito ng mga kabataang militante.

Imbis na solusyunan daw ang gutom ng taumbayan, pinapatay daw nito ang mamamayan.

Kontrobersyal ang gera kontra droga ni Duterte, bagay na kumitil ng buhay ng libu-libong Pilipino.

"The state is doing nothing else but serve its own agenda. This growing but cheap dictatorship has done nothing else but kill and starve our people," ani Angelica Reyes, pambansang pangulo ng Kabataan party-list.

Pagdidiin nila, magkadikit ang pakikibaka't sikmura ng kababaihan sa mga kabataan at iba pang sektor ng lipunan.

Kinastigo rin ng Kabataan ang patuloy diumanong harassment at "red-tagging" sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at hagupit ng mga panibagong buwis.

Nitong Enero, matatandaang ipinatupad ang ikalawang bahagi ng ax Reform for Acceleration and Inclusion Law na nagpataw ng dagdag na excise tax sa presyo ng krudo.

"It is time to storm the streets and rock this dictatorship out of its seat in Malacañang Palace," dagdag ni Reyes.

vuukle comment

INTERNATIONAL WOMEN'S DAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with