^

Bansa

Go, top 3 sa SWS

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapasok si dating Special Assistant to the President (SAP) at administration bet Bong Go sa Top 3 ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) para sa midterm senatorial race.

Sa naturang SWS survey na ginawa mula Pebrero 25-28, 2019, nakakuha si Go ng 47% approval rating at solong nakopo ang ikatlong pwesto.

Ayon sa SWS, nagpapakita ito nang patuloy na improvement sa lagay ni Go sa eleksyon, na dati ay nasa 5th hanggang 6th place lamang sa ranking na 41 percent, batay sa survey noong Enero 23-26, at mula 15th hanggang 16th ranking noong Disyembre 2018.

Ikinagalak naman ni Go ang patuloy na pagtaas ng kanyang pwesto sa survey results at nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan at sinseridad sa pagsisilbi sa bansa.

Nagpaabot rin si Go nang pasasalamat sa kanyang mentor na si Pangulong Duterte, na siyang nagmamalaki sa kanyang integridad at nag-e-endorso ng kanyang kandidatura.

Muling tiniyak ni Go na hindi siya magsasawang sumuporta sa mga nangangailangan gaya ng mga nasunugan, dahil mas mahalaga aniya ito kaysa sa kanyang pangangampanya.

Sa naturang survey ay nanguna si Sen. Grace Poe (68%), pumangalawa si Sen. Cynthia Villar (61%), Rep. Pia Cayetano, Lito Lapid, Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Jinggoy Estrada, Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, Bong Revilla at dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with