^

Bansa

Inflation bumagal sa 3.8% ngayong Pebrero

Pilipino Star Ngayon
Inflation bumagal sa 3.8% ngayong Pebrero
Inaayos ng vendor ang paninda niyang mga kalabasa sa Balintawak market, Quezon City na ibinebenta na lang sa murang halaga na epekto ng pagbagal ng inflation rate ngayong Pebrero.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bumagal sa 3.8 percent ang inflation rate para sa buwan ng Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Autho­rity (PSA).

Sinabi ni PSA Asec. Josie Perez, mas mababa ito kung ihahambing sa 4.4 percent na nai-record noong Enero 2019.

Sa kanilang data, lumalabas na walang gaanong naging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan.

Pero ang halaga umano ng alak at tobacco pro­ducts ay umakyat ng 0.6 percent mula sa dating 0.2 percent noong January.

Dahil dito, ang February inflation na ang itinuturing na pinakamababa mula noong Marso 2018.

“3.8% is the lowest inflation rate since March 2018,” wika ni Perez.

Ang highest inflation naman ay natukoy sa Min­doro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) na may 5.3 percent at lowest sa Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong 2.5 percent.

vuukle comment

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHO­RITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with