^

Bansa

‘Senatorial debate malabo na’ - Comelec

Gaea Katreena Cabico - Pilipino Star Ngayon
�Senatorial debate malabo na� - Comelec
Noong nakaraang linggo, hiniling nina Rep. Gary Alejano (Magdalo party-list), Marawi civic leader Samira Gutoc at lawyers Romulo Ma­calin­tal at Florin Hilbay sa Comelec na magtakda ng debate ng ka­nilang grupo at ng senatorial ticket ng HNP.

MANILA, Philippines — Malabo nang ma­kapag-organisa ang Commission on Elections ng public deba­te ng maka-adminis­trasyong Hugpong ng Pagbabago at ng maka-oposisyong Otso Diretso.

Noong nakaraang linggo, hiniling nina Rep. Gary Alejano (Magdalo party-list), Marawi civic leader Samira Gutoc at lawyers Romulo Ma­calin­tal at Florin Hilbay sa Comelec na magtakda ng debate ng ka­nilang grupo at ng senatorial ticket ng HNP.

Pero sinabi ni Co­melec Chair Sheriff Abas na wala nang oras ang komisyon para mag-organisa ng isang debate.

“So far, ang problema natin oras. Wala na kaming oras for an official debate,” sabi ni Abas sa isang pa­nayam kahapon.

Pero sinabi ni Abas na tatalakayin bukas ng Comelec en banc ang debate na hinihiling ng mga kandidato ng oposisyon.

Sinabi pa niya na magiging mahirap magsagawa ng isang debate para sa lahat ng 62 kandidato para sa puwesto sa Senado.

Hindi ito anya tulad sa halalang pampanguluhan na kakaunti lang ang mga kandidato. “Eh ito nasa 62. Even the platform, system of debate, nahirapan din ang mga [television] network. Mahirap siya buuin for a midterm elections,” paliwanag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Abas na susuportahan niya ang mga debate na inoorganisa ng mga television network.    

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with