^

Bansa

Plane crash: 2 piloto sugatan

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Plane crash: 2 piloto sugatan
Kinilala ng pulisya ang dalawang sakay ng bumagsak na Cesna 172 plane, na may body number RP-C2847 na sina Maria Thalia Zeph Limpin, 22, dalaga, mag-aaral ng Fast Aviation Aca­demy (FAA) sa Lingayen Pangasinan at residente ng Barangay Bayan Luma 5, Cavite City; at si Boni Sorgon, 31, may-asawa, flight instructor ng FAA, at nakatira sa Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan.
facebook

MANILA, Philippines — Bagama’t nasugatan, himalang nakaligtas ang isang babaeng student pilot at ang kanyang guro matapos na mag-crash landing ang kanilang sinasakyang 2-seater training plane sa taniman ng palay sa Barangay Homestead 2, Talavera, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang dalawang sakay ng bumagsak na Cesna 172 plane, na may body number RP-C2847 na sina Maria Thalia Zeph Limpin, 22, dalaga, mag-aaral ng Fast Aviation Aca­demy (FAA) sa Lingayen Pangasinan at residente ng Barangay Bayan Luma 5, Cavite City; at si Boni Sorgon, 31, may-asawa, flight instructor ng FAA, at nakatira sa Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay P/Supt. Alexie A. Desamito, hepe ng pulisya rito, lumalabas na nagkaroon ng engine failure ang eroplano sanhi upang bumagsak ito sa nasabing palayan bandang alas-7:35 ng Lunes ng umaga.

Isinugod ng mga rumespondeng pulis sa Talavera General Hospital ang dalawang biktima.

vuukle comment

PLANE CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with