^

Bansa

Enrile nagbabala sa global recession

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Enrile nagbabala sa global recession
Ayon kay Enrile, kailangang palakasin ang mga pagkakataon sa ating bansa para sa mga OFW sakaling magkaroon ng global recession na magiging dahilan para sa kawalan ng trabaho.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagbabala si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa magiging epekto ng global recession kung saan maaapektuhan ang mga overseas Filipino workers.

Ayon kay Enrile, kailangang palakasin ang mga pagkakataon sa ating bansa para sa mga OFW sakaling magkaroon ng global recession na magiging dahilan para sa kawalan ng trabaho.

“Magkakaroon ng pagbabawas ng mga trabaho sa Europa, Middle East at sa iba pang parte ng mundo natin dahil magkakaroon ng recession. [Bumabagal] ang mga ekonomiya ng mga bansa. Nagbabawas sila ng tao. Nagsasara sila,” sabi ni Enrile.

Ayon pa kay Enrile, ang mga mawawalan ng trabaho na OFW, ay tiyak na pauuwiin sa Pilipinas at ito anya ang problemang babagsak sa ating bansa na dapat paghandaan ng gobyerno para mayroon silang masilu­ngan na trabaho.

Ito rin ang dahilan kaya isinusulong ni Enrile na mabuksan ang buong Pilipinas sa banyagang kapital para makalikha ng maraming trabaho para sa mga Filipino.

Ayon sa mga ekonomista, bumabagal ang ekonomiya ng Estados Unidos, Canada, mga bansa sa Europa at iba pa. Maaaring hudyat ito nang paparating na global recession.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with