^

Bansa

Cayetano, strong contender sa pagka-House Speaker

Pilipino Star Ngayon
Cayetano, strong contender sa pagka-House Speaker
Kilala si Cayetano na hindi umuurong sa anumang laban lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mas nakakaraming Pilipino. Ilang beses niya ng nilabanan ang katiwalian sa pamahalaan kahit na malala­king pulitiko pa ang sangkot dito. Dahil sa husay at katapatan bilang lingkod bayan ay bilib mismo rito si Pangulong Duterte.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi nababahala si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pahayag ng PDP-Laban na muling sasabak sa pagka-House Speaker ang kinatawan ng Unang Distrito ng Davao del Norte na si Congressman Pantaleon Alvarez.  

Kilala si Cayetano na hindi umuurong sa anumang laban lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mas nakakaraming Pilipino. Ilang beses niya ng nilabanan ang katiwalian sa pamahalaan kahit na malala­king pulitiko pa ang sangkot dito. Dahil sa husay at katapatan bilang lingkod bayan ay bilib mismo rito si Pangulong Duterte.

Noong isang taon ay nagbigay na ng basbas si Pangulong Duterte kay Cayetano at sinabi niyang siguradong magiging magaling na House Speaker si Cayetano. 

Gaya ng pagtatanggol niya sa mga OFW at pag­lutas ng mga problema sa passport appointments noong DFA Secretary pa siya, naniniwala ang Pangulo na magagawa niya din ng kasing husay ang trabaho bilang Speaker. 

Tulad noong unang itinalaga si Cayetano bilang DFA Secretary, may mahalagang misyon din ngayon si Cayetano sa kanyang muling pagtakbo sa Kongreso bilang Kinatawan ng Taguig-Pateros. 

Samantala, tumugon si Mayor Sara sa mga usap-usapang susubok ulit si Congressman Alvarez na masungkit ang Speakership. Iginiit ng anak ng Pangulo na dapat ay pumili ng “best of the best” ang partido para sa House Speaker. 

Upang mas maging makabuluhan ang kanilang pagpili kailangang suriin ng mabuti ang katangian, pag-uugali at kabuuan ng pagkatao (Character) ng bawat “Speaker Aspirant”.

Ayon kay Mayor Sara, “dapat paikliin ang listahan dahil masyadong mahaba at hindi na dapat suportahan ang naging Speaker na pero hindi naman naging matagumpay sa kanyang tungkulin. 

Kabilang si Cayetano sa mga nabanggit ni Mayor Sara na malakas na contenders sa pagiging Speaker.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with