^

Bansa

Pagbaba ng crime rate pinuri ni Bato

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagbaba ng crime rate pinuri ni Bato
Sa datos ay 9.13% ang ibinababa ng kriminalidad sa buong bansa.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si dating PNP chief Gen. Bato dela Rosa sa lumabas na report ng Philippine National Police na nagpakita ng pagbaba ng crime rate mula 520,641 noong 2017 hanggang sa 473,068 sa taong 2018.

Sa datos ay 9.13% ang ibinababa ng kriminalidad sa buong bansa.

Ipinapakita lang ng datos na epektibo ang maigting na programa sa anti-crime na sinimulan ng administrasyong Duterte. 

“Nagpapasalamat kami dahil unti-unting nakikita at nararamdaman natin ngayon ang resulta na yan, alam kong kumpyansa ang mga kababayan natin,” pahayag ni dela Rosa matapos magsalita sa pagtitipon ng ‘Hugpong ng Pagbabago’ na ginanap sa San Andres Complex.

Aminado naman ang PNP na ang malaking pagbaba sa kriminalidad ay bunga ng matinding pagsugpo sa iligal na droga ng kasalukuyang administrasyon. 

Kailangan lamang na tuluy-tuloy ang kampanya dahil may mga big-time drug lords pang dapat hulihin.

“Kailangang pagtulung-tulungan natin ang laban sa droga para mailigtas natin ang mga kabataan sa problemang ito,” pagdidiin pa ni Gen. Bato.

vuukle comment

BATO DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with