^

Bansa

Talaga ba? Banggit ni Digong na may 300k OFWs sa Tsina vs gov't data

James Relativo - Philstar.com
Talaga ba? Banggit ni Digong na may 300k OFWs sa Tsina vs gov't data
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi basta-basta mapaaalis ang mga Tsinong iligal na nagtratrabaho sa bansa sa bantang mapauwi ang 300,000 Pilipinong nagtratrabaho roon.
Presidential photo/File

MANILA, Philippines — Malayo ang datos na ginagamit ng Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa bilang ng mga overseas Filipino workers sa bansang Tsina, 'yan ay kung pagbabasehan ang mga numero mula sa Philippine Overseas Employment Administration.

Una nang sinabi ni Digong na hindi basta-basta mapaaalis ang mga Tsinong iligal na nagtratrabaho sa bansa sa bantang mapauwi ang 300,000 Pilipinong nagtratrabaho roon.

“Iyong mga Chinese dito, hayaan mo ‘yan na dito magtrabaho. Hayaan mo. Bakit? We have 300,000 Filipinos in China. Kaya hindi ako maka — sabihin, o umalis kayo dito, deport ka doon. Eh kung bigla paalisin ‘yun doon 300 of them?" wika ng pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan or PDP-Laban sa Laguna.

Sa pinakahuling datos ng POEA, lumalabas na 171,694 lang ang overseas Filipino workers sa Tsina noong 2017.

'Yan ang lalabas na bilang kapag pinagsama-sama ang OFWs mula sa Tsina (9,369), Macau (17,790) at Hong Kong (144,535).

Bagama't kabahagi ng mainland China ang Macau at Hong Kong, nakararanas sila ng mataas na antas ng awtonomiya mula sa Central People's Government bilang mga "special administrative regions."

Sa kasalukuyan, dalawang magkaibang bansa ang naninindigan bilang "tunay" na Tsina: ang People's Republic of China (mainland) at Repubic of China (Taiwan).

Gayunpaman, malayo pa rin sa 300,000 ang bilang ng mga OFW doon kahit na pagsamahin ang OFWs sa Tsina at Taiwan.

Kung pagsasanibin ang 171,694 ng Tsina at 69,235 ng Taiwan, lalabas na 240,929 lang ang kabuuwang OFWs sa "dalawang China."

Noong 2016, matatandaang sinabi ng Philippine consulate-general na aabot sa 200,000 ang undocumented OFWs na nagtratrabaho bilang katulong sa Tsina.

Kung pagsasamahin ang 171,694 na datos ng POEA at 200,000 undocumented maids ng Tsina, aabot ito ng 371,694. Gayunpaman, hindi klaro sa statement ng pangulo kung ang tinutukoy niya'y manggagawang ligal, iligal o pinagsamang bilang ng dalawa.

Narito ang buong transcript ng nasabing talumpati.

'Pabalikin ang mga Chinese'

Samantala, isang kandidato naman sa pagkasenador ang nanawagan na mapaalis ang mga Tsinong manggagawa na iligal na nagtratrabaho sa Pilipinas.

"All Chinese workers who will be found to be doing jobs Filipino workers can do should be repatriated back to their home country at the expense of their employers, recruiters, or of their government," sabi ni Erin Tañada na tumatakbo sa ilalim ng Otso Diretso.

Maliban sa pagde-deport, dapat daw na maparusahan ang mga nagpapasok sa kanila sa bansa.

"More importantly, these employers and recruiters should be penalized for violating the law and bringing in workers without proper documentation," dagdag niya.

Aniya, kinakailangang solusyonan ang problema ng kawalan at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas upang maiwasan ang pangingibang-bayan.

Nagtala ng average annual job creation na 81,000 para sa taong 2017 at 2018 ang Pilipinas — pinakamababa mula noong administrasyon ni Ferdinand Marcos ayon sa IBON Foundation.

Giit ni Tañada, pauwiin na lang ng Pilipinas ang mga Pinoy na nanganganib ma-deport at bigyan ng trabaho sa sariling bayan.

"The President appears concerned about our overseas Filipino workers suffering from deportation because of flawed documentation process. Then why don’t they bring back to the Philippines these thousands of Filipino mason, welders, carpenters, and other skilled workers abroad who can very well do these jobs that Chinese workers will perform, with the salaries they are receiving abroad?" kanyang panapos.

vuukle comment

CHINA

EMPLOYMENT

FACT CHECK

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with