^

Bansa

Digong balak i-subpoena ang ina ni Trillanes

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong balak i-subpoena  ang ina ni Trillanes
Ayon sa Pangulo, napipikon na siya kay Trillanes dahil sa patuloy na pagbanat nito sa kanyang pamil­ya kaya planong idamay na nito ang 84-anyos na ina ng senador.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Plano ni Pangulong Duterte na paimbestigahan ang ina ni Sen. Antonio Trillanes IV upang pagpaliwanagin sa mga kwestyonableng transaksyon nito noong naglilingkod pa bilang non-uniform personnel sa Philippine Navy.

Ayon sa Pangulo, napipikon na siya kay Trillanes dahil sa patuloy na pagbanat nito sa kanyang pamil­ya kaya planong idamay na nito ang 84-anyos na ina ng senador.

“Sumobra ka. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo’t sa hindi. Baka sabihin mong walang power, there is. We also have the contempt power but we have to go to court,” pahayag ng Pangulo.

Una ng inihayag ni Trillanes na huwag idamay ang kanyang ina na may sakit.

“Just do it”, ang sagot naman ni Trillanes sa balak ni Duterte na paimbestigahan ang kanyang ina.

Sinabi ni Trillanes, simula noong Setyembre 2018, palaging sinasabi ni Duterte na aatasan niya ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan ang mga transaksiyon ng kanyang 84-taong gulang na ina na mayroon na ngayong Alzheimer’s na hanggang ngayon ay wala namang naipapakitang ebidensiya sa kanyang mga walang basehang akusasyon.    

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with