^

Bansa

DOH: Tigdas posibleng makaapekto sa turismo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DOH: Tigdas posibleng  makaapekto sa turismo
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi malayong magpalabas ng mga fo­reign advisories ang ilang mga bansa para pagbawalan ang kanilang mga mamamayan na magtungo sa Pilipinas kung hindi mako-kontrol ang outbreak.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Health (DOH) na posibleng makaapekto sa tourism industry at deployment ng mga OFW ang lumalalang mga kaso ng tigdas o measles sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi malayong magpalabas ng mga fo­reign advisories ang ilang mga bansa para pagbawalan ang kanilang mga mamamayan na magtungo sa Pilipinas kung hindi mako-kontrol ang outbreak.

Bunsod nito, bababa ang bilang ng dayuhan na nais na magbakasyon at mamuhunan sa bansa.

Gayundin ang mga OFW na kung hindi man pagbawalan na magbiyahe ay hahanapan naman sila ng vaccination records.

Aniya, una nang nag­tanong ang Hong Kong health officials sa kala­gayan ng tigdas sa bansa.

Taong 2016 nang ideklarang measles free ang Hong Kong at ito rin ang destinasyon ng higit 200,000 OFWs.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with