^

Bansa

Deregulasyon ng imported na asukal kinontra ni Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Deregulasyon ng imported  na asukal kinontra ni Enrile
Ang lokal na sektor ng asukal ay nag-aambag ng mahigit sa P120 bilyon kada taon sa ekonomiya dahil sa pagbenta ng raw at refined na asukal, molasses, bioethanol at biopower.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kasabay ang babala, kinontra kahapon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang panukalang deregulasyon ng pag-aangkat ng imported na asukal dahil libu-libo umanong mga magsasaka at mga manggagawa sa lokal na sugar industry ang magugutom.

Sinabi ni Enrile na dapat protektahan ng gobyerno ang sugar farmers at kanilang pamilya na tiyak na maaapektuhan.

Ayon pa kay Enrile, ang lokal na sektor ng asukal ay nag-aambag ng mahigit sa P120 bilyon kada taon sa ekonomiya dahil sa pagbenta ng raw at refined na asukal, molasses, bioethanol at biopower.

May mga 84,000 magsasaka at 720,000 manggagawa mula sa 28 probinsya ang maaapektuhan ng panukala. Sa kabuuan, mga limang milyong Pilipino ang umaasa sa kita ng sugar industry.

Nilinaw ng dating senador na suportado naman niya ang mga repormang naglalayong mapababa ang halaga ng asukal para sa taumbayan, ngunit kaila­ngan ding isipin ang kapakanan ng mga magsasaka.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with