^

Bansa

Panelo pabor gawing civil suit na lang ang libelo

James Relativo - Philstar.com
Panelo pabor gawing civil suit na lang ang libelo
Pero paliwanag niya, sang-ayon daw ang ilang journalist na mapanatiling kasong kriminal ito para hindi maabuso ang kalayaan sa pamamahayag.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pag-aresto kay Rappler chief executive officer Maria Ressa, inilinaw ng tagapagsalita ng pangulo na 'di siya pabor sa criminalization ng libel.

Humaharap sa cyberlibel si Ressa kaugnay ng inilabas na artikulo na nag-uugnay diumano sa negosyanteng si Wilfredo Keng sa iligal na droga at trafficking.

"Personally, kung ako lang ah... sa akin, puwede na yung civil suit," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa mga reporters nitong Lunes.

"May pro and con eh. Merong nagsasabing dapat tanggalin 'yan, meron ding nagsabing hindi."

Pero paliwanag niya, sang-ayon daw ang ilang journalist na mapanatiling kasong kriminal ito para hindi maabuso ang kalayaan sa pamamahayag.

"Like si ano, si [Jiggy] Manicad. 'Di ba he's running for the Senate? He mentioned during the [senatorial debate]... Sabi niya, 'Dapat huwag natin i-decriminalize kasi mag-aabuso lang yung mga nasa media,'" dagdag ni Panelo.

Isang dating broadcast journalist, tumatakbo si Manicad sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Presidente Rodrigo Duterte.

Criminal libel pabor sa mga journo?

Sa kabila ng posisyon ni Panelo, na isa ring abogado, sinabi niya na mas mahirap patunayan ang libelo kung ito'y isang krimen kumpara kung ito'y kasong sibil.

"[M]ahirap prubahan 'yun. Kasi you have [to] prove malice. Mahirap mag-prove ng malice. Mahirap magdemanda nga ng libel dahil baka wala kaagad probable cause. Lalong mahirap magpruba," dagdag niya.

Aniya, karaniwang krimen lang daw ito at mababa ang parusa kahit na mahatulan ka ng husgado.

"Kaya, tell me, sino na ba ang alam niyo na na-convict ng libel na peryodista? Ang naalala ko lang si, the late Beltran. Wala nang iba," sabi niya.

Tinutukoy ni Panelo ang broadcast journalist at komunistang si Luis Beltran, na hinabla ng noo'y dating Pangulong Corazon Aquino.

Ani Panelo: "In fact, kaya nga yung mga media hindi ba, they're saying, yung mga naririnig ko noon, 'It's a badge of honor when you sue me for libel.' Ibig sabihin, okay ang aking mga artikulo. Nayayanig ka."

Noong 2007, nakulong ang brodkaster na si Alex Adonis sa kasong libel. Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility, walang pambayad si Adonis ng abugado para ipagtanggol siya sa korte. Nahatulan siya in absentia at na-aresto sa Davao City.

Nakalaya siya noong Disyembre 2008.

vuukle comment

CYBERLIBEL

PRESS FREEDOM

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with