^

Bansa

Kandidato bawal sa graduation rites

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kandidato bawal sa graduation rites
Tugon ito sa panawagan ni Comelec spokesperson James Jimenez sa pamunuan ng mga paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato sa kanilang graduation rites.

MANILA, Philippines — Bawal magsalita at mangampanya sa entablado sa graduation rites ng mga estudyante ang mga kandidato.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, bawal din ang pag-iimbita ng mga kandidato upang maging guest speaker sa mga paaralan, ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng School Year 2018-2019.

Tugon ito sa panawagan ni Comelec spokesperson James Jimenez sa pamunuan ng mga paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato sa kanilang graduation rites.

Sinabi ni Jimenez na kumpara sa mga pribadong eskuwelahan na malayang mag-imbita ng mga kandidato, hindi aniya ito maaaring gawin ng mga nasa pampublikong paaralan.

Sinabi naman ni Malaluan, ipinagbabawal sa kanilang guidelines na gawing political forum o platform ang graduation rites ng mga estudyante.

Binalaan ni Malaluan ang mga paaralan na maaa­ring maharap sa administrative sanctions sakaling magkaroon ng ‘act of electioneering’ sa kanilang graduation rites.

Sa Abril hanggang Mayo ay inaasahan na ang pagsisimula ng pagdaraos ng graduation rites sa mga paaralan, na natapat sa 90-day official campaign period para sa midterm elections.

Pebrero 12 nang magsimula ang panahon ng kampanyahan para sa senatorial at party-list candidates habang Marso 29 magsisimulang mangampanya ang mga kandidato sa local elections.

Magtatapos ang campaign period ?sa Mayo 11, o dalawang araw bago ang aktuwal na halalan ?sa Mayo 13.

vuukle comment

JAMES JIMENEZ

NEPOMUCENO MALALUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with