^

Bansa

Sec. Villar sa DPWH employees: ‘Wag makisali sa political activities

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Sec. Villar sa DPWH employees:  �Wag makisali sa political activities
Sa ulat ni DPWH main­tenance section chief Celso Castillo kay Villar, ang mga taong nakuhanan ng litrato ng mga netizens na kumalat pa sa social media ay hindi nagkakabit ng mga election paraphernalia, sa halip ay tinatanggal nila ang mga ito.
Joey Viduya

MANILA, Philippines — Nagbabala si Public Works and Highways Secretary  Mark Villar sa kanyang mga tauhan na huwag makisali sa anumang uri ng political activities makaraang makatanggap ng impormasyon ang nasabing ahensiya na ilan sa kanilang manggagawa ang umano’y naaktuhang nagkakabit ng mga campaign posters ng isang kandidato sa Nueva Ecija.

Agad namang itinanggi ni DPWH Assistant Sec. Eugenio Pipo ang nasabing alegasyon at nilinaw na ang mga naaktuhang tauhan ng DPWH ay nagtatanggal ng mga campaign materials.

Ang nasabing isyu ay nag-ugat upang maglabas ng kautusan si Sec. Villar sa mga field officers at mga personnel nito na huwag makisali sa anumang aktibidad na pampulitika kabilang na ang pangangampanya dahil sa oras na lumabag ang mga ito ay mahaharap sila sa kasong administratibo.

Sa ulat ni DPWH main­tenance section chief Celso Castillo kay Villar, ang mga taong nakuhanan ng litrato ng mga netizens na kumalat pa sa social media ay hindi nagkakabit ng mga election paraphernalia, sa halip ay tinatanggal nila ang mga ito.

Ayon kay Castillo, katuwang umano ng DPWH ang mga tauhan ng MMDA sa paggawa ng tungkulin upang asistihan ang Comelec sa pag-alis at pagwasak ng lahat ng mga labag sa batas na election materials.

vuukle comment

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with