^

Bansa

Malacañang ikinatuwa na kumonti na ang mga adik

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang ikinatuwa na kumonti na ang mga adik
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang resulta ng survey ay nagpapatunay na tagumpay umano ang kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ikinagalak ng Malacañang ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing 6 sa 10 Filipino o 66% ang naniniwalang nabawasan ang bilang ng mga drug addict sa kanilang lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang resulta ng survey ay nagpapatunay na tagumpay umano ang kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.

Ayon kay Panelo, ang anti-drug war  ay major campaign platfrom ni Pangulong Duterte at nananati­ling isang “centerpiece program” ng administrasyon sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos.

“They (political opposition) remain skeptical, unimpressed and indifferent,” sabi ni Panelo.

Mismong ang mga mamamayan na anya ang nagsabi na nabawasan ang mga gumagamit ng iligal na droga.

Kaugnay nito, hinikayat ni Panelo ang mga taga-oposisyon at kritiko na tumigil na sa pagiging bulag, bagkus makinig na lamang sa sinasabi ng taongbayan na bumaba ang bilang ng mga nalululong sa iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tiniyak din ni Panelo na magtutuloy-tuloy ang kampanya laban sa iligal na droga hanggang sa hu­ling termino ng Pa­ngulo sa 2022.

vuukle comment

DRUG WAR

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with