^

Bansa

Dengue outbreak sa Central Visayas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dengue outbreak sa Central Visayas

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health sa Central Visayas ang deklarasyon ng dengue outbreak sa siyam na bayan at lungsod sa rehiyon.

Ito ay dahil sa patuloy na dumaraming bilang ng mga batang nagkakasakit ng dengue.

Ayon kay Dr. Ronald Jarvik Buscato, dengue program coordinator ng DOH-7, lumagpas na sa epidemic thresholds ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue sa mga apektadong lugar.

Dahil dito, ang mga lokal na pamahalaan ay dapat nang magdeklara ng dengue outbreak.

Kabilang sa nakapagtala ng maraming kaso ng dengue ay sa Lapu-Lapu City at bayan ng Sibonga sa Cebu pro­vince; Tagbilaran City at mga bayan ng Trinidad, Cortes, Dauis, Clarin, at Loon sa Bohol; at sa bayan ng Lazi sa Siquijor.

Nagpadala na ng notice at letter of recommendation ang DOH-7 sa lokal na pamahalaan ng nabanggit na mga lugar para irekomenda ang deklasyon ng dengue outbreak.

vuukle comment

DENGUE OUTBREAK

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with