^

Bansa

Tigdas outbreak hanggang Marso pa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tigdas outbreak hanggang Marso pa
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito’y bunsod na rin ng patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa kaya hindi pa maidedeklarang “under control” ang measles outbreak.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Posibleng tumagal pa hanggang Marso ang measles outbreak sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito’y bunsod na rin ng patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa kaya hindi pa maidedeklarang “under control” ang measles outbreak.

Gayunman, target aniya nilang mabakanuhan ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan kontra tigdas, beke at rubella o German measles upang hindi na umano lumala pa ang sitwasyon.

Batay sa tala ng DOH noong Lunes, may 70 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa tigdas habang pumalo na sa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa mula Enero.

Apela ng DOH, mas makabubuti na pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga sanggol upang mas makaiwas pa sa anumang paglala ng sakit o komplikasyon.

Hindi aniya dapat na katakutan ang bakuna dahil lamang sa maling impormasyon.

vuukle comment

MEASLES OUTBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with