^

Bansa

Namatay sa tigdas umabot sa 70

Ludy Bermudo, Gaea Katreena Cabico - Pilipino Star Ngayon
Namatay sa tigdas umabot sa 70
Lumitaw sa datos ng DOH Epidemiology na tumataas hanggang noong Enero 2 ang bilang ng mga kaso ng tigdas sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umakyat sa 4,300 ang bilang ng mga tao na nadapuan ng tigdas sa buong bansa at sa mga kasong ito ay 70 ang kumpirmadong namatay.

Ito ang isiniwalat ni Department of Health spokesperson Enrique Domingo na nagsabi sa isang panayam sa ANC na karaniwan sa nasawi ang mga bata na wala pang isang taong gulang.

“Vulnerable sila. Wala pa silang bakuna laban sa sakit,” sabi ni Domingo.

Noong nakaraang linggo, idineklara ng DOH ang measles outbreak sa Metro Manila, ibang lugar sa Luzon, at Central at Eastern Visayas.

Lumitaw sa datos ng DOH Epidemiology na tumataas hanggang noong Enero 2 ang bilang ng mga kaso ng tigdas sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.

vuukle comment

MEASLES OUTBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with