^

Bansa

Sara Duterte kay Hontiveros: Ikaw ang mag-resign 'di si Acosta

James Relativo - Philstar.com
Sara Duterte kay Hontiveros: Ikaw ang mag-resign 'di si Acosta
Isinisisi kasi ni Hontiveros ang pagbaba ng tiwala ng publiko sa mga bakuna sa PAO kasunod ng pagkakalat nila diumano ng kasinungalingan patungkol sa dengue vaccines ng Department of Health.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Nanawagan si Davao City mayor Sara Duterte na magbitiw na sa pwesto si Sen. Risa Hontiveros matapos hilingin ng mambabatas ang pagre-resign ni Public Attorney's Office chief Persida Acosta kaugnay ng outbreak ng tigdas sa Pilipinas.

Isinisisi kasi ni Hontiveros sa PAO ang pagbaba ng tiwala ng publiko sa mga bakuna kasunod ng pagkakalat nila diumano ng kasinungalingan patungkol sa dengue vaccines ng Department of Health.

Sa kanyang Instagram post kahapon, sinabi ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Dengvaxia mismo at hindi si Acosta ang nagdulot ng mas mababang bilang ng pagpapabakuna.

"Devangxia killed innocent individuals, bakit wala ka[ng] human rights angle dito? Paano ma-solutionan ang outbreak sa pagpapa-resign ke Atty. Acosta?" banggit ng nakababatang Duterte sa senadora.

Itinuturo ng PAO at mga magulang ang immunization program ng dating administrasyong Bengino Aquino III sa pagkamatay ng ilang estudyante.

Dagdag ni Duterte, chairperson ng partidong Hugpong ng Pagbabago, ginagawa lang ni Acosta ang kanyang tungkulin bilang abogada.

"PAO Chief Acosta is doing her job in assisting indigent litigants who want to sue. Dengvaxia eroded the parents' confidence in vaccines and you can easily verify this if you talk to the people in barangays instead of putting your head inside your behind all the time," banggit ng nakababatang Duterte.

Noong nakaraang linggo, nagdeklara ng measles outbreak ang DOH sa Metro Manila, ilang bahagi ng Luzon at Central and Eastern Visayas bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas sa bansa.

Umabot na sa 70 ang kumpirmadong namamatay mula rito ayon kay DOH spokesperson Enrique Domingo sa panayam ng ANC.

Nauna nang sinabi ni Acosta noong nakaraang linggo na hindi siya tutol sa mga bakuna kung hindi sa Dengvaxia lang.

Nanindigan naman ang Palasyo na lalo nilang patitindihin ang immunization program ng gobyerno sa gitna ng outbreak.

“I heard the president will help [Health Sec. Francisco Duque III] bring back the people’s trust in the Department of Health’s immunization program and the president himself will help in the communications,” ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa panayam ng Radyo Pilipinas nitong Linggo.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, inatasan na rin daw ng pangulo ang PCCO na tumulong sa information campaign tungkol sa mga bakuna.

Payo ni Sara sa dating Akbayan party-list representative, tumulong na lang si Hontiveros sa paghahanap ng solusyon at huwag tutol nang tutol.

"Kapag gusto natin magsalita, pagisipan muna para hindi nakakahiya."

vuukle comment

RISA HONTIVEROS

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with