^

Bansa

Anti-VAT bill ni Bam pangontra sa taas-singil sa kuryente

Pilipino Star Ngayon
Anti-VAT bill ni Bam pangontra  sa taas-singil sa kuryente
Kung mapagtibay ang Senate Bill No. 670 ni Sen. Bam na magtatanggal ng Va­lue Added Tax (VAT) sa binibiling kuryente ng mga kompanya at kooperatiba, wala nang dahilan pa para tumaas ang monthly electric billing ng bawat tahanan.

MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang-batas si Sen. Bam Aquino na magsisilbing “antibiotic” ng mga mamamayan laban sa “impeksiyon” ng mataas na singil sa kuryente.

Kung mapagtibay ang Senate Bill No. 670 ni Sen. Bam na magtatanggal ng Va­lue Added Tax (VAT) sa binibiling kuryente ng mga kompanya at kooperatiba, wala nang dahilan pa para tumaas ang monthly electric billing ng bawat tahanan.

Ayon sa senador,  may nakaambang pa­nibagong pagtaas sa presyo ng kuryente sa mga susunod na linggo kaya kailangang madaliin ang pagpasa ng kanyang panukala na pipigil sa Meralco at iba pang franchise holders na magtaas ng singilin.

Habang nakabinbin ang panukala, hinimok ni Sen Bam ang gobyerno na gumawa ng hakbang para hindi maapektuhan ang mga consumers ng bantang pagtaas sa presyo ng kuryente.

“Kaawa-awa naman ang ating mga kababayan. Hindi pa nga nakakaahon sa taas presyo ng mga bilihin, dadagdag pa ang mataas na  singil  sa kuryente,” sabi pa ni Sen. Bam na champion ng consumers protection sa bansa.

Tahasang sinabi ng senador na ang pag-alis ng VAT sa paggawa, transmis­yon at distribusyon ng kuryente ay ikagiginhawa ng mga consumers.

vuukle comment

BAM AQUINO

VA­LUE ADDED TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with