^

Bansa

Sapilitang pagbabakuna

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Sapilitang pagbabakuna
Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque, kahit nagbabahay-bahay na ang mga health workers para hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay marami pa rin ang tumatanggi.
KJ Rosales

Isusulong ng DOH

MANILA, Philippines — Isusulong ng Department of Health (DOH) ang sapilitang pagbabakuna sa mga bata laban sa tigdas kasunod ng outbreak ng nasabing sakit.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque, kahit nagbabahay-bahay na ang mga health workers para hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay marami pa rin ang tumatanggi.

Iginiit ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi dapat paniwalaan ang mga anunsiyo o balita na nauuwi sa autism ang pagpapabakuna sa tigdas.

Ligtas anya ang bakuna kung saan ang bakuna kontra tigdas ay mula pa sa World Health Organization at UNICEF.

Aniya, kailangan na makipagtulungan ang magulang sa health centers upang mabigyan ng bakuna ang kanilang  mga anak at huwag katakutan. Maging ang mga local government units at DOH ay nagsasagawa ng koordinasyon para sa measles vaccination program.

Samantala, umakyat na sa 60 ang nasawi dahil sa tigdas.

Ayon sa tagapagsalita ng San Lazaro Hospital na si Dr. Ferdie de Guzman, mula sa 57 nadagdagan ito ng tatlo kamakalawa ng gabi habang isa pang bata ngayon ang inoob­serbahan dahil sa kritikal na kondisyon.

Sa Quezon City ay may 8 paslit din ang naireport ng QC Health Department na nasawi dahil sa tigdas.

Ayon kay City health Officer Verdades Linga, ang mga apektadong bata ay may edad isa hanggang apat na taong gulang.

Sa huling datos, aabot na sa 257 ang kaso ng mga batang tinamaan ng tigdas na nasa San Lazaro Hospital habang 108 kaso sa QC Health department mula January 1-26.

Nabatid na 98 porsi­yento ng nagkaka-tigdas ay 5 taon pababa.

Posibleng humantong sa pag­kabulag ang komplikasyon sa tigdas.

Sa katunayan, ang mga sanggol na 6 na buwan gulang ay maaari nang pabakunahan ng kontra tigdas.

Kinumpirma rin ni Domingo na maaari pang magka-tigdas ang mga may edad na hindi pa nababakunahan. Sa mga bata kailangan na malakas ang kanilang resistensiya dahil nauuwi sa komplikasyon ang pagkakaroon ng tigdas.

Kailangan lamang na uminom ng sapat na tubig at gamot na pang lagnat ang isang may tigdas. (May ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with