DOH kinalampag sa vaccination program ng gov’t
MANILA, Philippines — Kinalampag ng Anakalusugan partylist ang Department of Health (DOH) na mas palawakin nito ang vaccination program ng gobyerno matapos ang pagkakaroon ng outbreak sa tigdas.
“DOH data show there are at least 2.4 million children who have not received measles vaccination. This is simply unacceptable. We have to address people’s fear of vaccination as this could result in the outbreak of other diseases,” ani Anakalusugan nominee Mike Defensor.
Ayon sa Anakalusugan, dapat umaksiyon agad ang DOH para matugunan ang outbreak lalo’t naitala na may 55 mga bata na edad 3 buwang gulang hanggang apat na taon ang nasawi sa San Lazaro Hospital.
Suportado ng Anakalusugan ang kampanya ng gobyerno matapos na atasan ni Pangulong Duterte ang kanyang gabinete na paigtingin ang pagbibigay ng bakuna sa mga bata lalo’t sila ang madalas mabiktima ng ganitong sakit. Idinagdag pa ni Defensor na bagamat obligasyon ng mga magulang na tiyakin ang proteksiyon ng kanilang anak mula sa anumang sakit, hindi pa rin dapat maging kampante ang DOH na kumpletuhin ang pagbibigay ng bakuna sa mga bata.
Kasabay nito, nagbabala din ang World Health Organization na kung patuloy na hindi maitatama ang pagbibigay ng bakuna sa bansa, maaaring maging sanhi ito upang manumbalik ang mga sakit gaya ng polio.
“We are very concerned about the situation because there are many cases of measles that could have been avoided if we had achieved higher vaccination coverage,” ayon kay WHO country representative Gundo Weiler.
- Latest