^

Bansa

Tigdas outbreak sa Metro Manila: 55 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tigdas outbreak sa Metro Manila: 55 patay
Ayon kay Duque, lumobo ng 550 porsiyento ang kaso ng tigdas sa MM mula Enero 1 hanggang Pebrero 1 ngayong taon lang. Umaabot na sa 47 ang bilang ng mga batang nasawi dahil sa tigdas sa Metro Manila pa lamang.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque na may outbreak na ng measles o tigdas sa Metro Manila.

Ayon kay Duque, lumobo ng 550 porsiyento ang kaso ng tigdas sa MM mula Enero 1 hanggang Pebrero 1 ngayong taon lang. Umaabot na sa 47 ang bilang ng mga batang nasawi dahil sa tigdas sa Metro Manila pa lamang.

Mula rin noong Ene­ro, hindi bababa sa 55 pagkamatay dahil sa tigdas ang naitala sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Karamihan sa mga namatay ay mga batang nasa tatlong buwan hanggang apat na taon ang edad.

Sa huling tala ng DOH noong Pebrero 2, may 253 nang kaso ng hinihinalang tigdas sa Central Luzon.

Gayunman, sinabi ni Duque na hindi ito nangangahulugan na ang mga naturang mga nasawi sa tigdas ay pawang taga-Metro Manila lang.

Nabatid na maa­ring taga-lalawigan ang iba sa kanila pero nang malamang may tigdas ang mga ito ay isinugod sa San Lazaro Hospital sa Maynila upang doon ipagamot. Karamihan umano sa mga nasawi ay dahil sa pneumonia, na kumplikasyon ng tigdas.

Samantala, nanawagan ang Kalihim sa mga magulang na huwag nang hintaying magkasakit pa ang kanilang mga anak at sa halip ay pabakunahan na laban sa tigdas.

Binigyang-diin ni Duque na libre lamang naman ang pagpapabakuna laban sa tigdas kaya hindi na dapat pang mag-atubili ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak.

Nagbabala naman si Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo na  posibleng tumaas pa ang measles cases sa peak season nito sa pagitan ng Marso at Abril, kaya’t dapat aniyang ngayong buwang ito ay dapat nang pabakunahan ang mga bata.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE

MEASLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with