^

Bansa

Pondo sa Bangsamoro Organic Law transition tiyakin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Bam Aquino sa mga kapwa mambabatas na tiyaking may sapat na pondo ang implementasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) para matiyak na matutupad nito ang mandatong maghatid ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Itinatakda ng Republic Act 11054 o ng Bangsamoro Organic Law na ilipat ang kasalukuyang pondo para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Bangsamoro Transition Authority.

Ayon kay Sen. Bam, hindi sapat ang pondo ng ARMM para sa 2019 na P31.1 bilyon dahil nasa P59 bilyon ang kailangan ng BOL. Naglaan ang bersiyon ng Senado ng dagdag na P30 bilyon sa 2019 budget para sa BOL, na umaasa si Bam na makalulusot sa bicameral conference committee.

“Sayang naman kung hindi natin bibigyan ng tamang pondo ang BOL. Itodo na natin ang suporta upang maabot na ng mga kababayan natin sa Mindanao ang inaasam nilang kapayapaan at kaunlaran,” wika ni Sen. Bam na co-author at co-sponsor ng BOL.

vuukle comment

BAM AQUINO

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with