^

Bansa

Comelec umaksiyon sa DQ vs mag-asawang Cayetano

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Comelec umaksiyon sa DQ vs mag-asawang Cayetano
Ang petisyon ay batay sa apela nina Atty. Emil Marañon III at Leonides Buac Jr. ng Signal Village sa Taguig hinggil sa mga maling nilalaman ng COCs ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano.
File Photo

MANILA, Philippines — Sinimulan nang dinggin ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon sa pagkakansela sa certificates of candidacies (COCs) ng mag-asawang sina dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Taguig Mayor Lani Cayetano bilang mga kandidato sa pagiging kongresista ng dalawang distrito ng Taguig City sa darating na May 13 elections.

Ang petisyon ay batay sa apela nina Atty. Emil Marañon III at Leonides Buac Jr. ng Signal Village sa Taguig hinggil sa mga maling nilalaman ng COCs ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano.

Ayon sa petisyon sa Comelec, ang unang isyu ay ang hindi malamang petsa kung kailan talaga lumipat si Lani sa Two Serendra sa Fort Bonifacio dahil magkaibang detalye ang sinumite nila sa Comelec.

Kapansin-pansin din na ang umano’y tinitirhang yunit ni Lani sa Serendra ay isang single-bedroom unit lang, subalit bukod kay Lani, address din itong ginagamit nina Rep. Pia Cayetano at Lino Cayetano.

Nakasaad din sa COCs ang magkaibang domiciles ng mag-asawang Cayetano na kinumpirma ng kanilang mga abogado.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

COMMISSION ON ELECTIONS

LANI CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with