^

Bansa

January inflation bumaba sa 4.4%

James Relativo - Philstar.com
January inflation bumaba sa 4.4%
Kuha sa Baguio City Market
The STAR/Andy G. Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Bumaba ang inflation rate ngayong Enero kumpara sa datos noong Disyembre 2018 ayon sa panibagong ulat ng Philippine Statistics Authority.

Sa press briefing ng PSA kanina, lumalabas na nasa 4.4 porsyento ito mula sa 5.5 noong nakaraang buwan.

Nangyari daw ito dahil sa pagbagal ng "annual increments" sa pagkain at 'di nakalalasing na inumin, alak, tabako, at transport.

Ito na ang pinakamababang naitala simula noong Abril 2018.

Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang takdang panahon. Makikita rin dito ang tantos ng pagbaba ng halaga ng pera. 

Para sa food and non-alcoholic beverages, nakaimpluwensya raw ang mga food items tulad ng bigas, karne, gatas, keso at itlog, at gulay sa pagbagal ng inflation ngayong Enero.

Mula 6 porsyento noong Enero, bumaba sa 4.7 ang bigas; mula 5.5 ay naging 5 ang karne; mula 9.9 naging 7.8 ang isda, mula 2.9 naging 2.6 ang gatas, keso, at itlog; mula 8.1 ay bumaba ang gulay sa 5.6.

Nakapag-ambag din ang presyo ng mga produktong petroyo sa naturang pagbagal.

"For transport, petroleum and fuels for personal transport equipment, domestic air fare, and ferry/ship fare contributed to the deceleration of inflation in January 2019," banggit ng PSA.

Bahagya ring naibsan ang inflation sa National Capital Region sa 4.6 porsyento. 

Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao para rin ang may pinakamataas sa lahat sa 6.1 porsyento habang nakakuha ng pinakamababa ang Cordillera Administrative Region sa 3.1.

Samantala, tumaas naman ng 0.1 porsyento ang month-on-month prices ng lahat ng items sa Pilipinas.

"Main contributors to the upward trend of the month-on-month growth in the Philippines were non-food commodities, specifically: Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels; Furnishing, Household Equipment and Routine Maintenance of the House; and Restaurant and Misc. Services," ayon sa PSA.

vuukle comment

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with