^

Bansa

Sen. Bam no. 11 na sa SWS survey

Pilipino Star Ngayon
Sen. Bam no. 11 na sa SWS survey
Nasa No. 11 na si Bam mula sa No. 14 ranking niya sa December 2018 SWS survey. Ito na ang pa­ngalawang pagkakataong pumasok si Bam sa winning circle of 12 batay sa SWS survey.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Humataw ang ranking ni Sen. Bam Aquino sa pinakahuling survey ng Social Weather Station mula January 23-26 ngayong taon.

Nasa No. 11 na si Bam mula sa No. 14 ranking niya sa December 2018 SWS survey. Ito na ang pa­ngalawang pagkakataong pumasok si Bam sa winning circle of 12 batay sa SWS survey. 

Sa Pulse Asia survey noong December 14 to 21, 2018; nasa 10th-16 ranking si Bam na may 32.6% rating.Sa katatapos din na survey ng Radio Mindanao Network, si Sen. Bam ay na nasa 10th ranking.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang senador sa patuloy niyang pagtaas sa mga survey kasabay ng pasasalamat sa mga mamamayang patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Sinabi niya na importanteng mabusisi ng taumba­yan ang track record ng mga kumakandidato, lalo na ang mga katulad niyang incumbent, dahil naniniwala siyang ang sukatan ng paglilingkod ay ang mga nagawa para sa kabutihan ng nakararami.Sa pagiging senador sa loob ng halos anim na taon, maraming batas na ang nagawa ni Bam na nagpabago sa buhay ng maraming Pilipino tulad ng Go Negosyo Act at libreng kolehiyo sa mga kabataan.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with