^

Bansa

Labi ng suicide bomber isasalang sa DNA test

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Labi ng suicide bomber isasalang sa DNA test
Una nang lumutang na isang mag-asawang Yemeni ang suicide bomber sa Our Lady of Mount Carmel Church habang inako naman ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagpapasabog.
File Photo

MANILA, Philippines — Isasalang sa DNA testing ang labi ng suicide bomber na nagkalasug-lasog ang katawan matapos ang Jolo bombings upang mabatid kung banyaga o Pinoy ito.

Una nang lumutang na isang mag-asawang Yemeni ang suicide bomber sa Our Lady of Mount Carmel Church habang inako naman ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagpapasabog.

Sumabog ang unang bomba na iniwan  ng isang babae sa loob ng simbahan at ilang minuto pa ay sumambulat naman ang isa pa sa labas nito.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na may posibilidad na banyaga ang suicide bomber dahil wala sa kasaysayan ng Pilipinas na naging suicide bomber ang isang Pinoy.

Inihayag nito na nasa 40 dayuhang terorista ang namonitor na nakapasok sa Pilipinas ang nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng Central Mindanao, Basilan at maging sa Sulu.

Samantala sa pag-iimbestiga ng Special Investigation Task Group (SITG) nakikita na suicide bombing ang insidente dahil walang nilikhang hukay ang pagsabog at malinaw na nakaangat sa lugar ang bomba.

vuukle comment

DNA TESTING

SUICIDE BOMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with