^

Bansa

Angkas payagan na – Recto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Angkas payagan na � Recto
Sinabi ni Recto na maaaring magpalabas ng Department Order ang DOTr para sa operasyon ng Angkas at iba pang motorcycle riding applications upang maisailalim agad ang mga ito sa regulasyon.
File

MANILA, Philippines — Walang nakikitang dahilan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto upang hindi payagan ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng Angkas at iba pang motorcycle riding applications sa bansa.

Dininig kahapon ng Senate committee on public services ni Sen. Grace Poe ang resolusyon na nag­lalayong payagan ang mga motorsiklo (two-wheeled motorcycles) na magamit nilang public transportation.

Sinabi ni Recto na maaaring magpalabas ng Department Order ang DOTr para sa operasyon ng Angkas at iba pang motorcycle riding applications upang maisailalim agad ang mga ito sa regulasyon.

Kinontra ni Recto ang palusot ng DOTr na ipinagbabawal sa batas ang mga motorcycle units bilang public utility vehicles sa pagsasabing ipinagbabawal din sa batas na gamitin ang mga private vehicle sa public transportation.

Pero ipinunto ni Recto na, pinayagan ang Uber at Grab sa pamamagitan lamang ng Department Order. 

Kaugnay nito tiniyak ni Angkas Regulatory and Public Affairs George Royeca na isinasailalim nila sa training ang kanilang mga rider-partners at mahigpit din ang regulasyon sa mga motorsiklo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with