^

Bansa

Dayuhang suicide bomber sinisiyasat na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dayuhang  suicide bomber  sinisiyasat na

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng security forces ang posibilidad na suicide bombing na isinagawa ng isang dayuhang te­ro­rista ang ikalawang pagsabog sa labas ng Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana,  isinasailalim na sa validation ang nagkapira-pirasong bangkay sa lugar ng ikalawang pagsabog na hinihinalang isa itong dayuhan.

Una rito, sinabi mismo ni Pangulong Duterte na mag-asa­wang suicide bomber ang nasa likod ng kambal na pagpapasabog sa Jolo Cathedral bagay na masusi pang kinukumpirma ng militar.

Ang unang bomba na iniwan ng isang babae ay sumabog sa loob ng simbahan alas-8:58 ng umaga at ilang minuto pa ay ang ikalawang pagsabog sa labas ng simbahan.

Inihayag ni Loren­zana na may mga impormasyon din mula sa intelligence sources sa Mindanao Region na ang pambobomba ay kagagawan ng mag-asawang Yemeni.

Una rito, inako ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na ang kanilang grupo ang nasa likod ng pambo­bomba pero inihayag naman ng AFP at PNP na ang Ajang-Ajang group na kaalyado ng Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagpapasabog.

Noong Hulyo 2018 ay niyanig ng malakas na pagsabog ang Lamitan City, Basilan na ikinasawi ng 11 katao.  Ang pag-atake ay si­nasabing gawa ng isang Malaysian suicide bomber pero hindi narekober ang bangkay nito sa blast site.

vuukle comment

SUICIDE BOMBING

SULU BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with