^

Bansa

Free college ni Bam marami ang makikinabang - Ping

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Free college ni Bam marami ang makikinabang - Ping

MANILA, Philippines — Kinilala ni Sen. Panfilo Lacson ang pagsisikap ni Sen. Bam Aquino para maipasa at maging batas ang libreng kolehiyo sa bansa dahil marami ang makikinabang dito lalo na ang mga mahihirap.

Ayon kay Lacson, bago pa man angkinin ng iba ang papuri, sinabi ni Ping na si Sen.Bam ang author at principal sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Nagpahayag din ng buong suporta si Sen. Ping sa hangarin ni Sen. Bam na makakuha ng ikalawang termino sa Senado.

Kung si Sen. Ping ang masusunod, gusto niyang makabalik sa panibagong termino sa Senado si Bam dahil masipag at seryosong magtrabaho kapag nagsusulong ng mga panukala para sa mga mamamayan.

“Kapag napapag-usapan ang libreng matrikula sa kolehiyo, ang unang naiisip ko, si Senador Bam Aquino. Alam kong siya ang nagtiyagang itulak ito sa Senado bilang author at Principal Sponsor ng Free Tuition Law,” wika ni Sen. Ping.

Ayon kay Sen. Ping, ang author o may-akda at nagsusulat ng batas, ngunit mas mabigat ang trabaho ng sponsor dahil ito umano ang nagtatanggol nito sa plenaryo.

Paliwanag pa ni Ping, mahirap ang trabaho ng sponsor dahil kailangan nitong sagutin ang mga detalye ng panukala, hanggang sa kaliit-liitang detalye nito.

vuukle comment

BAM AQUINO

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with