^

Bansa

Car registration fees namumurong tumaas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Car registration fees namumurong tumaas
Ayon kay Recto, hindi na dapat ituloy ng gobyerno ang planong itaas ang Motor Vehicles User’s Charge (MVUC) na posibleng ibase umano sa inflation rates.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Senate President Pro Tempore Ralph Recto kaugnay sa posibleng pagtaas sa car registration fees sa kabila ng pagbuwag sa Road Board.

Ayon kay Recto, hindi na dapat ituloy ng gobyerno ang planong itaas ang Motor Vehicles User’s Charge (MVUC) na posibleng ibase umano sa inflation rates.

“The end’ na ang Road Board. But raising car registration fees should not be its sequel. Hindi ito dapat ang next picture,” sabi ni Recto.

Sinabi ni Recto na ang panukalang pagtataas ng rates para sa MVUC ay ipinadala na sa House of Representatives at Senado ng mga executive branch officials.

Naniniwala si Recto na hindi dapat ibase sa inflation kung matutuloy ang pagtaas dahil magiging mabigat ito sa mga may-ari ng sasakyan.

“Medyo mabigat kasi kung adjusted to inflation, using 2004 as base year, ‘yung bayad sa rehistro ng bantam car at SUV ay parehong tataas by 72 percent,” pahayag ni Recto.

Isa rin umano sa inilulutang na scenario ang 50 percent at 100 percent increase.

Ayon pa kay Recto, sapat na naman ang buwis sa gasolina sa paggamit ng kalsada kaya dapat hindi na ituloy ang pagtaas ng MVUC.

“Baka pwede, huwag nang ituloy ‘yung strike 3, ‘yung sa MVUC. Kasi sapat na ang buwis sa gasolina bilang tax sa paggamit ng kalsada. There is already a toll fee in the gas tax. Kung limang kilometro kada litro ang itinatakbo ng sasakyan mo, sa 50 kilometrong ginapang mo, ang gas tax mo ay P144,” sabi ni Recto.

Pero nilinaw din  ni Recto na wala pa namang malinaw na plano tungkol sa pagtaas ng car registration fees bagaman at mas mabuti na rin aniyang ilutang ito dahil baka isunod sa pagbuwag sa Road Board.

vuukle comment

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with