^

Bansa

Mas maayos na sistema sa 4Ps isinulong ni Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mas maayos na sistema  sa 4Ps isinulong ni Enrile
Kabilang sa ipinagkakaloob na tulong ng gobyerno ang P500 kada buwan para sa mga pangangailangang pangkalusugan ng pamilya bukod pa sa P300 kada buwan para sa bawat batang pumapasok sa paaralan.

MANILA, Philippines — Iginiit ni dating Senator Juan Ponce Enrile na dapat maging mas maayos ang sistema sa pagbibigay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa mga mahihirap upang matiyak na napupunta sa tamang benepisyaryo ang tulong ng pamahalaan..

Base sa report ng Commission on Audit (COA), mahigit sa P1.3 bilyong cash grants sa ilalim ng 4Ps ang hindi nakuha noong 2017 ng 1.9 milyong benepisyaro.

Sa ngayon ay nasa 4.1 milyong Filipino ang tumatanggap ng mga benepisyo mula sa 4Ps na pina­ngangasiwaan ng DSWD.

Kabilang sa ipinagkakaloob na tulong ng gobyerno ang P500 kada buwan para sa mga pangangailangang pangkalusugan ng pamilya bukod pa sa P300 kada buwan para sa bawat batang pumapasok sa paaralan.

Naniniwala naman si Enrile na hindi sapat ang halaga na binibigay sa mga benepisyaryo.

Ayon pa kay Enrile, dapat ding matiyak kung natatanggap ng buo ng mga benepisyaryo ang buong P2,400 unconditional cash transfer (UCT).

Naniniwala si Enrile na kung maayos ang pro­seso, walang dahilan para hindi makuha ng mga benepisyaro ang hala­gang nakalaan sa kanila.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with