^

Bansa

LPA pumasok na sa PAR

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
LPA pumasok na sa PAR
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 860 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na inaasahang magiging unang bagyo sa taong 2019.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 860 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni Benison Estareja, weather specialist, na nagsimula ng maranasan ang katamtaman hanggang malalakas na mga pag-ulan sa Mindanao partikular na sa Caraga, Compostela Valley, Davao Oriental, Camiguin at Misamis Oriental.

Inaasahan namang tatama ang tropical depression sa Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island ngayong Linggo ng gabi.

Sakaling maging bagyo ay papangalanan itong ‘Amang’ at itataas ang Signal no. 1 sa Eastern Visayas at Caraga areas.

Sa Lunes ay mararamdaman naman ang mala­lakas na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, Southern Quezon, Romblon at Marinduque.

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with