^

Bansa

Jinggoy kinilala ang ‘Araw ng mga Kasambahay’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy kinilala ang �Araw ng mga Kasambahay�
Umapela rin si Jinggoy sa Department of Labor and Employment na samantalahin ang pagkakataon na ipaalam sa publiko ang Batas Kasambahay sa pagpapasahod at mga karapatan ng isang kasambahay.
File

MANILA, Philippines – Nagpahatid ng pagbati si dating senador Jinggoy Ejercito Estrada sa milyun-milyong kasambahay sa bansa kasabay ng paggunita sa “Araw ng mga Kazz sambahay,” na kumikilala sa kanilang naiambag sa ekonomiya ng bansa.

Ang Batas Kasambahay, o Republic Act 10361,  na isinulong ni Estrada at naisabatas noong Enero 18, 2013 ang naging daan upang mabigyan ng disenteng pagkilala, pagtrato at proteksiyon ang mga kasambahay mula sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.

Kabilang na rito ang yaya, all around kasambahay, tagaluto, tagalaba at hardinero.

Umapela rin si Jinggoy sa Department of Labor and Employment (DOLE) na samantalahin ang pagkakataon na ipaalam sa publiko ang Batas Kasambahay sa pagpapasahod at mga karapatan ng isang kasambahay.

Sa ilalim ng RA 10361, nasa minimum wage na P2,5000 ang domestic workers sa National Capital Region (NCR) habang P2,000 sa ilang pangu­nahing lungsod at munisipalidad habang  P1,500 ang iba pang munisipalidad.

Nasa batas din ang pagbibigay ng 13th month pay, SSS, PhilHealth at PAG-IBIG. 

 

vuukle comment

JINGGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with