^

Bansa

19 election hotspots tinukoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
19 election hotspots tinukoy
Iprinisinta nina PNP Chief Director Gen Oscar Albayalde at CALABARZON Police Director CSupt Edward Car- ranza (kanan) ang mga sumukong NPA rebels habang nakamasid naman si PIO Spokesman CSupt Benigno Durana.

MANILA, Philippines — Labingsiyam na ba­yan at lungsod sa Luzon at Mindanao ang tinukoy kahapon ng Philippine National Police na election watchlist areas o hotspost kaugnay sa napipintong halalan sa Mayo ng taong ito.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Chief Director Ge­neral Oscar Albayalde na ang nasabing mga lugar ay may mga kasaysayan ng karahasan sa mga nagdaang halalan at kasalukuyang may mga presensya ng mga armadong grupo at mga banta sa pambansang seguridad.

Kabilang dito ang mga rebeldeng New People’s Army, Abu Sayyaf Group, Bang­samoro Islamic Freedom Fighters, Dawlah Islamiyah terrorists at iba pa.

Tinukoy na ni Alba­yalde na kabilang dito ang mga bayan ng Sudipen, Balaon at Jones sa lalawigan ng Isabela; Lemery sa Batangas; Roxas sa Oriental Mindoro; Balud at Dimasalang sa bayan ng  Mas­bate; Daraga sa Albay; Pagadian City sa Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental; Hadjih Mohammad Ajul, Lantawan, Tipo-Tipo sa Basilan; Marawi City; Sultan Dumalondong, Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha at Datu Unsay sa Maguindanao.

 Inihayag ni Alba­yalde na pinaigting na rin nila ang seguridad sa Cotabato City at mga karatig lugar matapos ang pambobomba noong Disyembre 31, 2018 na ikinasawi ng dalawa katao habang 34 pa ang nasugatan.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with