^

Bansa

Publiko inabisuhang magpabakuna; Kaso ng influenza dumarami

James Relativo - Philstar.com
Publiko inabisuhang magpabakuna; Kaso ng influenza dumarami
Posibleng nangyari raw ang pagtaas dahil maaaring mas maaga ang "flu season kumpara sa mga nakaraang taon at makikita rito ang unpredictability ng influenza virus," ayon kay Solante sa Ingles.
Photo courtesy of pixabay.com

MANILA, Philippines —Inabisuhan ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) ang publiko na magpabakuna ang lahat kasunod ng pagdami ng kaso ng trangkaso (Influenza A at B) nitong mga nakaraang buwan.

Ayon kay dating PSMID president Rontgene Solante, naobserbahan nila na tumaas ang bilang ng mga komokonsulta sa kanila kaugnay ng influenza — 'yan ay kahit na 153,659 lang ang kaso ng "influenza-like illnesses" (ILI) na naitala ng Department of Health mula ika-1 ng Enero hanggang ika-15 ng Disyembre noong 2018. Mas mababa ito ng 17 porsyento sa 127,632 noong 2017.

Posibleng nangyari raw ang pagtaas dahil maaaring mas maaga ang "flu season kumpara sa mga nakaraang taon at makikita rito ang unpredictability ng influenza virus," ayon kay Solante sa Ingles.

Kadalasan nagsisimula ang pagdami ng mga nagkakatrangkaso tuwing tag-ulan (Hunyo), hanggang Agosto at Setyembre. Karamihan dito ay Influenza A.

Gayunpaman, tumaas ang kaso ng influenza noong Nobyembre at Disyembre sa 2018 surveillance sa Pilipinas. Karamihan dito ay Influenza B.

Dagdag ni Solante, napakababa raw kasi ng bilang ng flu vaccination noong nakaraang taon. "Collateral effect" daw ito ng kontrobersiya sa Dengvaxia.

Sabi ay Solante, nanantiling ang H1N1 strain ng Influenza A pa rin daw ang "predominant circulating flu virus" sa Pilipinas.

"Kung makararanas ng sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat at panlalamig, sipon at ubo, pananakit ng katawan, panghihina, at sakit ng ulo, dapat kumonsulta sa mga doktor para sa tamang diagnosis at gamutan," ayon sa pahayag ng PSMID sa Ingles.

Apat na strain

Sinabi ni Solante sa STAR na dapat kuning bakuna ng publiko ang propotekta sa kanila sa dalawang strain ng Influenza A at dalawang strain ng Influenza B.

Maliban sa H1N1, ang isa pang strain ng Influenza A ay tinatawag na H3N2. Ang dalawang strain naman ng influenza B ay ang Yamagata at Victoria.

Dalawang taon na ang nakararaan nang magkaroon ng "quadrivalent vaccine" na may antigens ng parehong strains ng influenza virus.

"Maraming clinicians ang hindi alam ang importansya ng flu vaccine kung kaya't maraming Pilipino ang hindi nakakuha ng bakuna (quadrivalent)," sabi ni Solante.

Kung hindi raw magbabago ang pananaw ng tao ay lalong tataas ang kaso ng naturang sakit.

Sinusugan naman ni Health Sec. Francisco Duque ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

“Influenza-like illness ang fourth leading cause of death sa bansa. Pinaka-nanganganib dito ay yung mga may dinadanas nang kondisyon sa kalusugan,” ani Duque sa Ingles.

Maliban sa pagpapabakuna, dapat daw na panatilihin ang kalinisan ng katawan, paghuhugas ng kamay, at tamang paraan ng pag-ubo kung hindi maiiwasan.

Nauna nang pinabulaanan ng DOH na may pneumonia outbreak noong Biyernes at sinabing panahon ngayon ng trangkaso.

vuukle comment

DENGVAXIA

DEPARTMENT OF HEALTH

INFLUENZA

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with