^

Bansa

Paglapag ng chopper sa Ultra ikinadismaya

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Paglapag ng chopper  sa Ultra ikinadismaya
Ang paglapag ng chopper ni Dino ay hindi naaayon sa protocol dahil ayon kay Ramirez kahit sinong tao o government official ay nararapat makipag-ugnayan sa PSC or sa mga venue managers ng kanilang pasilidad ukol sa anumang plano na lumapag sa kanilang complexes.
www.facebook.com/opavph

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya ang Philippine Sports Commission sa kabiguan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino na makipag-ugnayan nang maayos sa ahensiya na nagresulta sa hindi awtorisadong paglapag ng kanyang sinakyang helicopter noong Huwebes sa PhilSports Arena na kilala sa tawag na ULTRA.

Sa isang pahayag, sinabi ni PSC Chairman William Butch Ramirez sa mga mamamahayag, kabilang na ang social media outfit Rappler, na “it was inappropriate as it endangered the lives of athletes, coaches and parents who were attending an event in the complex.”

Iniulat naman ni PhilSports Arena (ULTRA) Administrator Quennie Evangelista kay Ramirez na hindi nakipag-coordinate sa kanya si Dino o ang kanyang tanggapan. 

Ayon kay Evangelista, siya at ang kanyang staff sa sports complex ay nabigla sa hindi naka-iskedyul na paglapag ng helicopter na lulan si Dino.

Aniya, ang paglapag ng chopper ni Dino ay hindi naaayon sa protocol dahil ayon kay Ramirez kahit sinong tao o government official ay nararapat makipag-ugnayan sa PSC or sa mga venue managers ng kanilang pasilidad ukol sa anumang plano na lumapag sa kanilang complexes.

Lumapag ang helicopter ni Dino sa gitna mismo ng ULTRA track oval hindi dahil sa emergency kundi upang sunduin ang ilan niyang kasama. Iniulat na sila ay patungo sa Batangas City.

vuukle comment

MICHAEL LLOYD DINO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with