^

Bansa

Obesity may kuneksyon sa pagliit ng utak — UK study

James Relativo - Philstar.com
Obesity may kuneksyon sa pagliit ng utak � UK study
Inusisa ng researchers ang imahen ng utak ng 9,652 taong kasama sa UK Biobank study.
Pixabay.com

MANILA, Philippines — Madalas i-ugnay ang katabaan sa mga banta sa kalusugan gaya ng sakit sa puso. Pero alam niyo bang nakaaapekto rin ito sa laki ng inyong utak?

Sa pag-aaral na inilabas ng American Academy of Neurology, natagpuang mas kakaonti ang gray matter volume sa utak ng mga taong may mas mataas na body mass index (BMI) at waist-to-hip ratio kumpara sa mas balingkinitan ang pangangatawan.

“Our research looked at a large group of people and found obesity, specifically around the middle, may be linked with brain shrinkage,” ayon sa may akda ng pag-aaral na si Mark Hamer, PhD, ng Loughborough University sa England.

(Sinuri ng aming pag-aaral ang malaking grupo ng tao at nalamang may kaugnayan ang obesity sa pagliit ng utak.)

Kadalasang kinukunsidera bilang obese, o labis ang pagkataba, ng mga taong may BMI na mas mataas sa 30.0.

Inusisa ng researchers ang imahen ng utak ng 9,652 taong kasama sa UK Biobank study. Kung i-aaverage, karamihan sa mga inaral ay edad 55 at ginamitan ng magnetic resonance imaging (MRI).

Nasa loob ng gray matter ang karamihan sa nerve cells ng utak kasama ang brain regions na may kaugnayan sa pagkontrol ng sarili, pagkontrol ng muscles, at sensory perception.

Ngunit ano ba ang epekto ng pagliit ng utak sa kalusugan ng tao?

“Existing research has linked brain shrinkage to memory decline and a higher risk of dementia, but research on whether extra body fat is protective or detrimental to brain size has been inconclusive,” paliwanag ni Hamer.

(Iniuugnay ng mga naunang pag-aaral ang pagliit ng utak sa paghina ng memorya at pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng dementia, pero hindi pa masiguro kung nakatutulong ba o nakasasama ang karagdagang taba sa laki ng utak.)

Hindi pa naman raw klaro kung nagdudulot ng obesity ang abnormalidad sa pagkakayari ng utak o kung obesity ba ang nagdudulot ng mga pagbabago sa utak.

Nakita rin nilang may kuneksyon ito sa pagliit ng mga espisipikong bahagi.

"This will need further research but it may be possible that someday regularly measuring BMI and waist-to-hip ratio may help determine brain health,” dagdag ni Hamer.

(Kakailanganin pa ng dagdag na pag-aaral dito pero mukhang posibleng malaman natin ang kalusugan ng utak sa pamamagitan ng regular na pagsusukat ng BMI at waist-to-hip-radio sa hinaharap.)

vuukle comment

BRAIN SIZE

HEALTH

MENTAL HEALTH

OBESITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with