^

Bansa

Bong Go umangat sa survey

Robertzon Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Bong Go umangat sa survey
Batay sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 14 to 21 noong nakaraang taon, umakyat si Go sa 14th to 16th rank mula sa nauna niyang 22nd and 27th ranking noong Setyembre 2018.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Malaki ang iniangat ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go  sa senatorial survey ng Pulse Asia na dahilan para umangat siya mula sa hanay ng mga baguhan sa senatorial election sa Mayo ng taong kasalukuyan.

Batay sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 14 to 21 noong nakaraang taon, umakyat si Go sa 14th to 16th rank mula sa nauna niyang 22nd and 27th ranking noong Setyembre 2018.

Ayon kay Go na isang aspiranteng senador sa 2019 election, nagpapasalamat siya sa suporta ng mga mamamayang Pilipino na naniniwala sa kanya at nangako siya na gagawin niya ang kanyang makakaya para ma­nguna.

“Labis po akong nagpapasalamat sa patuloy na tiwala ng marami na­ting kababayan sa ating kakayahan na makapag­lingkod sa ating bayan. Ang malaking pag-angat ay dahil sa patuloy na suporta ninyo hindi lang para sa akin pero pati na rin kay Pangulong Duterte,” sabi ni Go.

Si Go ay nasa rank na 14 at 15 noong Disyembre 16 to 19, 2018 sa senatorial preference survey ng Social Weather Station at sa  nationwide survey ng dzRh ay nasa rank 8th siya sa senatorial race.

Sa kabila ng maganda niyang katayuan sa mga survey, sinabi ni Go na maaga pa para sa kanya na magsaya at tiniyak niya sa mga mamamayan na hindi niya hahayaan ang resulta ng mga survey na makaapekto sa kanyang adbokasya na pagsilbihan at tulungan ang mga mamamayang Pilipino.

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with