^

Bansa

Nababahala para sa kalusugan ni Digong dumami — SWS

James Relativo - Philstar.com
Nababahala para sa kalusugan ni Digong dumami � SWS
Nanindigan naman ang Palasyo na walang seryosong sakit si Pangulong Duterte.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Tumaas ng 11 porsyento ang mga Pilipinong nangangamba para sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat na kwarto ng 2018.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong ika-16 hanggang ika-19 ng Disyembre, umabot sa 66 porsyento ang nagsabing nababahala sila (22 poryento ang labis na nababahala, 44 naman ang medyo nababahala). 

Mas mataas ito kaysa sa naitalang 55 porsyento noong Setyembre 2018.

Bumaba naman ng 10 puntos ang kampante sa kalusugan ng presidente, mula 44 porsyento patungong 34.

Kung sisilipin ang December 2018 survey, makikita ring 49 porsyento ang naniniwalang may karamdaman si Duterte (17 porsyento ang paniwalang-paniwala, 32 ang medyo naniniwala). Mas mataas ito ng apat na porsyento sa naitalang 45 porsyento noong Setyembre 2018.

Palasyo: Digong walang malubhang sakit

Nanindigan naman ang Palasyo na walang seryosong sakit si Digong.

“The Constitution requires an update only if the president suffers from serious illness (Hinihingi lang ng Salitang Batas na magbigay ng ulat ang pangulo kung meron siyang malubhang karamdaman),” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Matagal na ang ugong-ugong tungkol sa pagkakaroon ni Duterte ng malubhang karamdaman dahil sa madalas na pagliban sa mga international events at kapansin-pansing pangingitim ng kanyang mukha.

Noong Agosto 2018, maaalalang hinamon ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison noong na magpasailalim ang pangulo sa medical examination para mapatunayang malusog ang kanyang pangangatawan.

"I challenge Duterte to submit himself to a medical examination by the best independent diagnosticians of the PGH to establish whether he is physically and mentally fit for his position (Hinahamon ko si Duterte na dumaan sa pagsusuri ng pinakamahuhusay na diagnosticians ng Philippine General Hospital para magkaalaman na kung physically at mentally fit siya para sa posisyon [ng pagkapangulo])," ayon kay Sison. 

Dagdag ng lider-rebelde, bumaba na lang si Duterte sa pwesto nang makapagpahinga.

'Yan din ang sinabi ng pangulo noong Agosto, ngunit umaming laging nakadarama siya ng pagkirot.

“That’s why I am in perpetual pain... on any day, it’s seven on a scale of 10. The doctor did not want me to rely too much on painkillers (Kaya nga lagi akong may nararamdamang sakit... araw-araw, it's seven on a scale of 10. Ayaw naman ng mga doktor na umasa ako masyado sa mga painkillers),’" ani Duterte.

Dati nang ring inamin ng pangulo na mayroon siyang Buerger’s disease, isang sakit na nakukuha sa paninigarilyo.

vuukle comment

HEALTH

ILLNESS

JOSE MARIA SISON

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with