^

Bansa

Nakatatanda, konserbatibo mas madalas mag-share ng 'fake news' — study

Philstar.com
Nakatatanda, konserbatibo mas madalas mag-share ng 'fake news' � study
Posible rin daw na nakakaapekto ang paghina ng memorya ng mas may edad sa naging resulta.
Wikimedia Commons/Ibrahim.ID

MANILA, Philippines — Mas madalas magpaskil ng pekeng balita ang mga edad 65 pataas at mga konserbatibo kumpara sa mga mas bata at mas liberal, ayon sa pag-aaral na inilabas noong Miyerkules.

Inusisa ng mga mananaliksik mula sa Princeton University at New York University sa Estados Unidos ang mga Facebook posts ng mahigit 1,200 katao na pumayag magbahagi ng data matapos ang 2016 US presidential election.

Ikinumpara ang mga link na ipinost ng mga respondent sa listahan ng mga website na kilalang nagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon sa pag-aaral na inilabas sa Sciences Advances, 8.5 porsyento lang mula sa mga respondent ang nagbahagi ng link mula sa mga nabanggit na site.

Kahit na kakaonti, napansin na kadalasang mas matanda at mas konserbatibo ang mga nagshe-share.

Lumalabas na pitong beses na mas maraming fake news articles ang ibina-bahagi ng mga 65-anyos pataas kung ikukumpara sa mga edad 18-29, anuman ang paniniwalang pampulitika.

"No other demographic characteristic seems to have a consistent effect on sharing fake news," ayon sa mga nagsagawa ng pag-aaral.

"It is possible that an entire cohort of Americans, now in their 60s and beyond, lacks the level of digital media literacy necessary to reliably determine the trustworthiness of news encountered online," dagdag nila.

Posible rin daw na nakakaapekto ang paghina ng memorya ng mas may edad sa naging resulta.

"Under this account, memory deteriorates with age in a way that particularly undermines resistance to 'illusions of truth,'" sabi ng pag-aaral.

Kahit na nakita ng pag-aaral na mas maraming shinare na fake news ang mga Republicans (partido ni Donald Trump) kung ikukumpara sa mga Democrats (partido ni Hillary Clinton), posible raw na ganito ang kinalabasan ng pag-aaral dahil karamihan sa mga "fake news sites" ay pumapabor kay Trump.

Umabot sa 559 pages at 251 accounts ang tinanggal ng Facebook noong 2018 sa Estados Unidos dahil sa pagpapakalat diumano ng maling impormasyon, ayon sa ulat ng Time.

vuukle comment

FACEBOOK

FAKE NEWS

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with