^

Bansa

Pulis na iinom ng alak sa club, sisibakin

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pulis na iinom ng  alak sa club, sisibakin
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, inatasan na niya si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na magpalabas ng administrative order hinggil sa nasabing kautusan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kakasuhan hanggang sa tuluyang sibakin sa serbisyo ang sino mang pulis na mahuhuling umiinom ng alak sa bars, nightclubs, at pampublikong lugar sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, inatasan na niya si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na magpalabas ng administrative order hinggil sa nasabing kautusan.

“Si Presidente na mismo ang nagsabi na bawal na uminom ang mga police sa mga bar, pub at mga kalsada. Kasuhan ninyo agad ang sinumang lalabag dito,” anang Kalihim.

Ayon kay Año, tama ang Pangulo na dapat na umakto ng maayos ang mga pulis upang makuha ang tiwala at respeto ng mga mamamayan.

Ang mga pulis na mahuhuling umiinom sa mga pampublikong lugar ay mahaharap sa kasong administratibo gaya ng dereliction of duty, insubordination at gross neglect of duty hanggang sa tuluyang masibak sa serbisyo.

vuukle comment

EDUARDO AñO

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with