^

Bansa

Igalang ang kababaihan, rape ‘wag gawing biro – Gutoc

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Igalang ang kababaihan,  rape �wag gawing biro � Gutoc
Sinabi ni Gutoc na isang marangal na trabaho ang pagiging kasambahay na dapat bigyan ng respeto.

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Marawi civic leader at peacebuilder Samira Gutoc si Pangulong Duterte na tumigil na sa pagbibigay ng pahayag na makakapagpababa sa dignidad ng mga kababaihan.

Sinabi ni Gutoc na isang marangal na trabaho ang pagiging kasambahay na dapat bigyan ng respeto.

“Bilang anak ng isang OFW, lumaki akong mulat sa kalagayan ng mga naabusong domestic worker na humihingi sa aming pamilya ng tulong. Marami ang babaeng OFW na nasa ibang bansa. Dapat na binibigyan sila ng karampatang respeto, lalo na nung mga nasa pinakamataas na tanggapan sa bansa,” pahayag ni Gutoc, dating sectoral representative ng ARMM sa isang statement.

Ayon kay Gutoc, tumatakbong senador sa ilalim ng oposisyon, kung mahalal sa May senatorial elections, maghahain siya ng panukala na magpapalakas sa karapatan ng kababaihan at domestic helpers sa bansa at abroad.

Ang rape joke remarks ni Duterte sa kasagsagan ng Marawi siege noong 2017 ang nag-udyok kay Gutoc para magbitiw bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Council.

“I feel strongly about this. I resigned because of a rape joke, and I will not stand to tolerate more. What these jokes do are expose our women, especially the OFWs, to undue danger because they are disrespected here,” dagdag ni Gutoc.    

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SAMIRA GUTOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with