^

Bansa

Bagong dagok na excise tax sa petrolyo, itigil — Sen. Bam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bagong dagok na excise tax sa petrolyo, itigil � Sen. Bam
Sa halip na patungan pa ng buwis ang mga petrolyo, sinabi ni Sen. Bam na mas mabuting hanapan ng solusyon ng pamahalaan ang pagtaas ng mga bilihin sa mga apektadong lugar dahil sa bagyong Usman.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ipinababasura ni Sen. Bam Aquino sa gobyerno ang ikalawang yugto ng excise tax na ipinataw sa mga produktong petrolyo ngayong taon kahit pa ito ay itinatakda ng Train Law.

Sa halip na patungan pa ng buwis ang mga petrolyo, sinabi ni Sen. Bam na mas mabuting hanapan ng solusyon ng pamahalaan ang pagtaas ng mga bilihin sa mga apektadong lugar dahil sa bagyong Usman.

Tahasang sinabi ni Sen Bam na nito lamang nakaraang araw ay nag-anunsiyo na ng 70 sentimong pagtaas kada litro ang mga oil player matapos ang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Kaawa-awa anya ang mahihirap nating kababayan dahil sa dobleng hagupit ng bagyong Usman at dagdag-buwis sa petrolyo kaya dapat munang itigil ang excise tax sa produktong petrolyo. 

Hinikayat ng senador ang gobyerno na ma­ging sensitibo sa kalagayan ng mga mamamayan dahil masyado nang mabigat ang kahirapang nakadagan sa kanila.

vuukle comment

EXCISE TAX

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with