^

Bansa

Loren sinampahan ng graft sa Ombudsman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Loren sinampahan  ng graft sa Ombudsman
Kasama rin sa kaso ni Legarda sa Ombudsman ang umano’y pakikialam nito para sa reinstatement sa Department of Public Works and Highways ng isang dismissed engineer.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong graft at administratibo si Sen. Loren Legarda sa Ombudsman dahil umano sa pakikialam sa House of Representatives na napaulat na nag-resulta sa special treatment ng Mababang Kapulungan sa aplikasyon para sa isang “super franchise” ng kanyang anak na si Leandro Leviste.

“Ginulo ni Legarda ang congressional proceedings para sa franchise application ng kompanya ng kanyang anak na Solar Para Sa Bayan Corporation at ipinakita nito na may monopolya na nagresulta sa paglabas ng prangkisa sa loob lamang ng apat na buwan,” ani Junex Doronio, isang masidhing advocate para sa good governance.

Kasama rin sa kaso ni Legarda sa Ombudsman ang umano’y pakikialam nito para sa reinstatement sa Department of Public Works and Highways ng isang dismissed engineer.

Kaugnay ito ng ulat na pag-reinstate kay Engr. Elsie V. Sabay, dating officer-in-charge ng Antique District Engineering Office, na naunang sinibak ng Ombudsman dahil sa mga anomalya na kinasangkutan nito ukol sa construction ng dalawang tulay sa Cauayan, Negros Occidental.

Ayon kay Doronio, bukod pa sa reinstatement ni Engr. Sabay, gumagalaw din umano si Sen. Legarda sa departamento upang ipampalit ito kay Engr. Joselito A. Antonio, ang kasalukuyang District Engineer ng Antique District Engineering Office.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with