^

Bansa

Inflation bumagal sa 5.1%

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Inflation bumagal sa 5.1%
Ito na ang pinakamabagal na naitalang inflation rate mula June 2018 na nakapagtala nuon ng 5.2%.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Bumaba ang inflation rate sa pagtatapos ng 2018 na naitala lamang sa 5.1 percent base na rin sa report ng Philippine Statistics Authority.

Ito na ang pinakamabagal na naitalang inflation rate mula June 2018 na nakapagtala nuon ng 5.2%. 

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, malaki ang kinalaman sa pagbaba ng inflation rate sa inilabas na Administrative Order No. 13 ni Pangulong Duterte na nagpapaikli ng proseso sa pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng bigas.

Bukod pa aniya rito ang pag-iisyu ng Memorandum Order Nos. 26, 27 at 28 na nakatulong upang maging matatag ang presyo ng agriculture at fishery products at matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa merkado.

Sa harap nito, sinabi ni Panelo na hindi nagpapaka-kampante ang pamahalaan gayung mananatili aniyang nakabantay ang gobyerno sa pagmomonitor ng mga pangunahing bilihin at magpatupad ng mga hakba­ngin para mapagaan ang kabuhayan ng mamamayan.

vuukle comment

INFLATION RATE

SALVADOR PA­NELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with