^

Bansa

Alamin: Mga isasarang kalsada ngayong Traslacion

Philstar.com
Alamin: Mga isasarang kalsada ngayong Traslacion
Milyun-milyong deboto ang dumadagsa ng Maynila taun-taon bilang panata sa imahe ng Poong Hesukristo. 
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Naglabas na ng traffic advisory ang Philippine National Police ng listahan ng mga kalsadang isasara kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Milyun-milyong deboto ang dumadagsa ng Maynila taun-taon bilang panata sa imahe ng Poong Hesukristo. 

Mula alas-11 ng umaga, ika-7 ng Enero (Lunes):

  • Southbound lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hangang Plaza Miranda 
  • Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa to Lerma St.

Alas-10 ng gabi, Martes, ika-8 ng Enero (Martes):

  • Katigbak Drive at South Drive (madadaanan ang isang lane papuntang Maynila at H20 Hotel)
  • Northbound lane ng Quezon and McArthur Bridge mula Bonifacio Shrine
  • Taft Avenue mula Ayala Blvd. hanggang Bonifacio Shrine

Alas-12 ng madaling araw, ika-9 ng Enero (Miyerkules):

  • Kahabaan ng McArthur, Jones, at Quezon Bridge
  • Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang TM Kalaw St.
  • Isasara ang parehong lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso St. at España Ave./P. Campa St. para sa mga papuntang southbound at mula Taft Avenue/Ayala Blvd. para sa mga papuntang northbound. 

Ayon sa advisory na inilabas ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ibabase sa aktwal na daloy ng trapiko ang pagbubukas at sarado ng mga kalsada sa Lunes. Agad naman bubuksan ang mga kalsada sa Martes at Huwebes paglampas ng dulo ng prusisyon.

Nauna nang kinansela ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada ang mga klase sa buong lungsod sa lahat ng antas sa Miyerkules para magbigay daan sa kapistahan.

vuukle comment

ITIM NA NAZARENO

MMDA

PNP

ROAD CLOSURE

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with